-- Advertisements --

Mabilis at dominante ang naging simula ng kampanya ni Filipina tennis star Alex Eala sa 2026 US Open matapos niyang talunin ang qualifier na manlalaro mula sa Amerika na si Mary Stoiana, 6-1, 6-2, nitong Martes, Setyembre 2, na ginananap sa Louis Armstrong Stadium sa Flushing Meadows, New York.

Umabot sa 5-0 ang lamang ng Filipina star bago tuluyang makuha ni Stoiana ang kanyang unang game. Gayunman, hindi natinag si Eala at agad niyang isinara ang set, 6-1, upang magkaroon ng maagang kalamangan sa laban.

Sa pagsisimula ng ikalawang set, hindi nagbago ang laro ni Eala at hawak niya an momentum ng laban. Matapos dominahin ang unang set, 6-1, muling ipinakita ng Filipina tennis star ang kanyang kumpiyansa at composure sa court. Sa huli naselyuhan Eala ang ikalawang set sa iskor na 6-2.

Aabante si Eala sa round 2 ng US Open Tennis Champinship at sunod na makakaharap si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine at kasalukuyang World No. 46