-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala sa HSBC Championships matapos siyang matalo sa Round of 16.

Si Eala ay natalo kay Iva Jovic sa iskor na 6-2, 6-2, sa isang laban na tumagal lamang ng 1 oras at 16 minuto. Maagang nakuha ni Jovic ang kontrol sa laban at hindi na nakabawi ang Filipina tennis player hanggang sa huling set.

Sa kabila ng pagkatalo, tuloy pa rin ang kampanya ni Eala sa grass-court season. Nakatakda siyang sumabak sa Berlin Tennis Open, kung saan siya ay kabilang sa qualifying draw.

Ang kanyang nakalaban na si Iva Jovic ay naging dominante mula simula hanggang dulo ng laban upang makapasok sa quarterfinals ng torneo.

Matatandaang bago ang HSBC Championships, maganda ang naging takbo ng kampanya ni Eala. Kamakailan lamang ay nasungkit niya ang kampeonato sa WTA 125 Birmingham Open, at sunod na lumahok sa WTA 500 tournament kung saan tinalo niya si Zhang Shuai sa iskor na 6-3, 6-2.