All set na ang pag-iisang dibdib nina Vhong Navarro at kanyang fiancée na si Tanya Winona Bautista.
Batay sa impormasyon, bukas November 29, itinakda ang kasal ng 42-year-old comedian/TV host sa isang hotel sa Kyoto, Japan.
Kahapon lang nang magsimulang mag-post ng larawan si Vhong sa kanilang prenup shoot sa Vietnam, at ngayong araw isinapubliko ang kanilang behind-the-scenes video.
“She’ll often disagree, but at the end of it all, she will understand me,” isa sa caption ni Vhong sa kanilang larawan ng wife to be.
Dadalo sa wedding ceremony ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan gaya ng mga showbiz friends sa kinabibilangang noontime show.
Kabilang sa principal sponsors ang direktor at talent manager ni Navarro na si Chito Roño.
Nabatid na 11 taon naging magkasintahan ang dalawa bago nagdesisyong pasukin ang buhay mag-asawa.
Nabatid na resident writer ng Kapamilya Network si Tanya at higit na nakilala ng publiko dahil sa unconditional love kay Vhong sa kabila ng kinasangkutang kontrobersya sa negosyanteng si Cedric Lee at aspiring actress na si Deniece Cornejo.
Bago kay Tanya, annulled na ang kasal ng TV host/comedian sa dating aktres na si Bianca Lapus.