-- Advertisements --

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na handa ito sa anumang “escalation o eventuality” mula sa China kasabay ng Balikatan Exercises kasama ang Estados Unidos.

Ayon kay AFP spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, may nakahandang contingency plans ang AFP at kaya nitong tugunan ang anumang banta sa maritime domain.

Nagbabala naman ang China, sa pamamagitan ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun, laban sa mga hakbang na maaaring magdulot ng tensyon at iginiit na hindi dapat targetin ang ibang bansa sa military cooperation.

Sa kabila nito, sinabi ng AFP na hindi sila matitinag at magpapatuloy ang pagsasanay kasama ang mga kaalyado.

Nauna na ring sinabi ng mga opisyal na hindi nakadirekta ang naturang pagsasanay sa anumang bansa.

Aabot sa 17,000 tropa mula sa Pilipinas, US, at iba pang bansa ang lalahok sa Balikatan, kung saan isasagawa ang ilang mga aktibidad sa West Philippine Sea.