-- Advertisements --
image 104

Patay ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army na nasa Regional Watchlist sa Bicol sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sitio Quisape, Barangay Maguiron, Guinobatan, Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Larry Niño Prepotente, hepe ng Guinobatan MPS, kinilala ang suspetsyado na si Corporal Aaron Magbuhat, 33-anyos na miyembro ng Rigo-Magbuhat Group at konsideradong high value target.

Nagresulta ang isinagawang operasyon sa palitan ng putok ng magkabilang panig matapos na manlaban ang naturang suspetsyado.

Dahil sa tinamong tama ng bala ng baril, binawian ng buhay si Magbuhat habang wala namang naitalang sugatan sa panig ng operating units.

Narekober kay Magbuhat ang service firearrm na kalibre 45, pampasabog at 2 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600.

Ipinaabot na rin ng mga otoridad sa kamag-anak ng suspetsyado ang nangyari rito.