-- Advertisements --

Hiniling ni Sen. Imee Marcos sa Department of Justice (DOJ) na pabilisin ang proseso ng pagpapalaya sa mga persons deprived of liberty (PDLs) na matatanda na at matagal nang nagsisilbi ng kanilang sentensiya.

Inilahad ito ni Marcos sa pagtalakay sa panukalang 2027 budget ng DOJ sa plenaryo ng Senado nitong Miyerkules, Nov. 25, kung saan binigyang-pansin niya ang kalagayan ng mga nakatatandang bilanggo na umabot na sa maraming taon ang pagkakakulong.

Ayon sa senadora, dapat nang bigyan ng pagkakataong makalaya ang mga PDL na napakatagal nang nakakulong, lalo na ang mga matatandang babae o tinawag niyang mga “lola” na ilang dekada na ang ginugol sa loob ng kulungan.

Iginiit ni Marcos na hindi na dapat patagalin pa ang pagproseso sa kanilang mga kaso kung kuwalipikado naman silang mapabilang sa mga maaaring mapagkalooban ng executive clemency.