Nakatakdang bumiyahe patungong Malaysia ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas bukas, Nov. 21, 2026.
Ito ay para sa ika-limang window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ang iba pang Gilas players na kasalukuyang nasa labas ng bansa ay inaasahan ding bibiyahe patungong Kuala Lumpur upang samahan ang national team para sa ilan pang serye ng practice bago ang dalawang nakatakdang laban.
Mayroon pang isang lingo ang Gilas bago ang kanilang nakatakdang pagharap sa national team ng Syria at Iran.
Batay sa official schedule ng Gilas, haharapin nito ang Syria sa November 27 at susundan ito ng match laban sa Iran pagsapit ng Nov. 29.
Hawak ng national team ang kartadang 4-4 at hangad na makuha ang ikaapat na magkakasunod na appearance sa FIBA World Cup
Pangungunahan muli ni Coach Tim Cone ang national team sa dalawang crucial match.








