-- Advertisements --

Inanunsyo ng Miss Universe Organization (MUO) ang mga host at commentators para sa tatlong pangunahing gabi ng kompetisyon bilang bahagi ng ika-75 anibersaryo ng pageant sa Puerto Rico.

Pangungunahan nina Mario Lopez at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang grand finale sa Nobyembre 24, kung saan kokoronahan ang bagong Miss Universe. Makakasama nila bilang commentators sina Miss Universe 1993 Dayanara Torres at Zuri Hall.

Samantala, si Miss Universe 2001 Denise Quiñones ang magho-host ng Preliminary Competition sa Nobyembre 22, kung saan maglalaban ang mga kandidata para sa puwesto sa final round.

Si Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera naman ang mangunguna sa National Costume Competition sa Nobyembre 21, kung saan ipapakita ng mga kandidata ang mga kasuotang nagtatampok sa kultura at tradisyon ng kanilang mga bansa.