Ibinahagi ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo at ng kanyang kasintahan na si Chloe San Jose ang kanilang prenup photoshoot sa Japan, kasabay ng pagbabalik-tanaw sa mga pinagdaanan nilang pagsubok at masasayang alaala bilang magkasintahan.
Sa kanilang magkahiwalay na social media posts, ipinahayag ng dalawa ang pasasalamat sa isa’- isa sa kabila ng mga hamong kanilang hinarap sa kanilang relasyon.
Ayon kay San Jose, hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan, ngunit nanatili silang matatag sa tulong ng pananampalataya at pagmamahalan. Ibinahagi rin niya ang kanilang pangarap na patuloy na abutin at bubuuin ang kanilang kinabukasan nang magkasama.
Samantala, inalala naman ni Yulo na una silang nagkakilala noong 2020 at unang nagkita nang personal noong 2022. Sa Japan din umano nagsimulang magsama at mas makilala ang isa’t isa.
Nagpasalamat din ang gymnast kay San Jose sa walang sawang pagmamahal at suporta, at tinawag itong isa sa pinakamahalagang biyayang natanggap niya mula sa Diyos.









