Pinaalis na ng Ateneo de Davao University ang estudyanteng napatunayang responsable sa insidente ng bullying sa kanilang Junior High School matapos ang isinagawang disciplinary proceedings at due process.
Sa pahayag ng unibersidad, epektibo agad ang pagpapatalsik sa estudyante, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa iba pang aspeto ng insidente, kabilang ang posibleng pagkakasangkot ng ibang mag-aaral.
Bumuo rin ang pamunuan ng University Task Force on Bullying Prevention and Safe Learning Environments upang repasuhin at palakasin ang mga polisiya, sistema ng pagrereklamo at mga hakbang laban sa bullying.
Binigyang-diin ng Unibersidad na walang lugar ang karahasan at bullying sa kanilang institusyon at pananagutin ang sinumang mapatutunayang lumabag, alinsunod sa due process.









