Tinambakan ng Boston Celtics ang Charlotte Hornets ng 39 big points sa pagharap ng dalawa ngayong araw, Nov. 7, 2026.
Hindi nakapalag ang Hornets sa dominanteng run ng 2024 NBA champion kung saan sa pagtatapos ng unang quarter pa lamang ay nalasap na nito ang 20-point deficit.
Sa pagtatapos ng 3rd quarter, lumubo na ang tambak sa 39 big points, hanggang sa tuluyang matapos ang laban sa 119-80.
Sa loob lamang ng 29 mins na paglalaro ni Boston star Jayson Tatum, nagawa niyang magpasok ng 34 points at kumamada ng walong rebounds, siyam na assists, at tig-isang steal at block.
Nagpaulan ng 3-pointers ang koponan at ipinasok ang 24 na tres mula sa 44 na pinakawalan. Nagawa nila ito sa pamamagitan ng 53% 3-point shooting. Tanging 11 na tres lamang ang naisagot dito ng Hornets.
Hindi nakahanap ng kasagutan ang Hornets sa episyenteng laro ng Boston kung saan tanging ang beteranong forward na si Naz Reid ang nakagawa ng double-digit score sa mga Charlotte starter, sa kaniyang 14 points at anim na rebounds.
Hindi rin nakaporma ang forward na si Grayson Allen at sa loob ng 22 mins na kaniyang paglalaro ay wala itong anumang naipasok na puntos.
Ito na ang ikapitong panalo ng Celtics, hawak ang dalawang pagkatalo, habang tangan naman ng Charlotte ang record na 3-7













