Hawak na ng Golden State Warriors ang 6 consecutive wins matapos ang tatlong magkakasunod na pagkatalo sa pagsisimula ng 2026-2027 regular season.
Ngayong araw (Nov. 6), itinumba ng GS ang Miami Heat sa pamamagitan ng dominanteng 2nd half na pinangunahan ni NBA superstar Stephen Curry.
Natapos pa ang 1st half ng naturang laban sa all-53 ngunit pagpasok ng 3rd quarter, agad gumawa ang Warriors ng 38-23 run upang tuluyang iposte ang 15-point lead sa pagsisimula ng 4th quarter.
Bagaman pinilit ng Miami na habuli ang deficit, hindi na ito nakapalag sa mahigpit na depensa ng 2022 NBA champion kung saan limang minuto bago matapos ang laban, umabot na sa 20 points ang kalamangan at tuluyan nang pinagpahinga ang mga Warriors star tulad nina Curry at Draymond Green.
Nagtapos si Curry sa 29 points at nagpasok ng anim na 3-pointers sa loob lamang 28 mins na pananatili niya sa hardcourt. 22 points dito ay pawang naipasok sa 2nd half ng laban.
Bagaman nahirapan sa una ang rookie ng GS na si Yaxel Lendeborg, humabol din siya ng 17 points, walong rebounds, anim na assists, tatlong steal, at isang block.
Dominado ng GS ang halos lahat ng defensive stat tulad ng blocs, rebounds, steal, at paint points na umabot pa ng 50 habang 32 lamang ang naisagot ng Miami.
Matapos ang 0-3 na kartada ng GS sa pagsisimula ng season, umangat na ito sa 6-3 kasunod ng 6-0 win-loss record sa nakalipas na anim na laban nito. Hawak naman ng Miami ang 3-6 na kartada.












