Umabot na sa 44,000 ang bilang ng mga dumalaw sa Manila North Cemetery as 8:00 o’clock ng umaga ngayong Nobyembre 1, 2026, batay sa monitoring ng Manila Police District (MPD), kasabay ng paggunita sa All Saints’ Day.
Samantala, nagsagawa naman ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) ng Operational Period Briefing bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga bibisita sa mga sementeryo ngayong Undas.
Isinagawa ang briefing alinsunod sa direktiba ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso upang matiyak ang maayos na koordinasyon ng mga responder at volunteer sa panahon ng Undas.
Pinangunahan ni Incident Commander Rommel Allada kasama ang Incident Management Team ang pagpapaalala sa mga tauhan tungkol sa kani-kanilang tungkulin at responsibilidad sa pagtugon sa mga emergency at iba pang hindi inaasahang pangyayari.
Tiniyak naman ng MCDRRMD na nakahanda ang mga responder na magbigay ng agarang tulong upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente at bisita sa mga sementeryo at iba pang pampublikong lugar sa Maynila.








