-- Advertisements --

Ipinaliwanag ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo kung bakit hindi niya agad isinama si Senator Jinggoy Estrada sa unang affidavit nito noong Setyembre 2025 kaugnay ng umano’y kickback sa mga proyekto ng gobyerno.

Sa pagdinig sa Sandiganbayan nitong Oktubre 28, sinabi ni Bernardo na wala pa siyang sapat na ebidensya noon upang kumpirmahin ang pagkakasangkot ng senador. Inamin din niyang nahirapan siyang idiin ang kaibigang si Estrada.

Sa mga sumunod na affidavit, inakusahan ni Bernardo si Estrada na tumanggap umano ng kabuuang P573 milyon na kickback sa apat na hulog mula Nobyembre 2024 hanggang Hunyo 2025. Sinabi niyang personal niyang iniabot ang pera sa senador noong Hunyo 2025, kasama ang kanyang driver.

Itinanggi naman ni Estrada ang pahayag ni Bernardo at iginiit na maraming hindi pagkakatugma sa testimonya nito. Sinabi rin ng senador na hindi siya personal na inabutan ng pera ng dating opisyal.