-- Advertisements --
Naiuwi ni Ma. Ravinia Carpena ang bronze medal sa women’s shot put F20 event ng 5th Asian Para Games sa Aichi-Nagoya, Japan, matapos makapagtala ng bagong personal best na 11.39 meter.
Pumangatlo si Carpena sa final, kasunod ni Japan’s Reina Hori na nagwagi ng gold medal sa markang 13.57 meter, habang naiuwi naman ni Malaysia’s Siti Noraidah Suherman ang silver medal sa 11.41 meter.
Sa kabila ng mahigpit na kompetisyon, nalampasan ni Carpena ang dati niyang rekord.
Samantala, nasa ika-18 puwesto naman ang Pilipinas para sa kabuuang medal tally ng Asian Para Games 2026, kung saan mayroon itong 2 golds, 2 silvers at 3 bronze na may kabuuang 7 medals.









