Nasa maayos na kalagayan na si Stephen Curry sa kabila ng mga naunang ulat na bahagya siyang na-injure sa isang practice kahapon, Oct. 19.
Maalalang biglang natapilok si Curry habang siya ay nasa isang non-contact play sa open practice ng Warriors, at kinailangan siyang tuluyang dalhin sa locker room.
Ayon kay Warriors Head Coach Steve Kerr, maayos ang kaniyang kalagayan at balik na rin siya sa muling pag-eensayo, kasama ang team.
Nakatakdang simulan ng GSW ang 2026-2027 NBA Season sa Oct. 22 laban sa Los Angeles Lakers.
Nitong nakalipas na buwan, pumirma ang 38-anyos na si Curry ng two-year contract extension na nagkakahalaga ng $116 million. Ito ay mas mababa ng $20 million kumpara sa maximum offer ng koponan.
Ang bagong season ay ang ika-18 season na niya sa liga.
Sa kabila ng edad, nagagawa pa rin ng NBA superstar na panatilihin ang impresibong average na 26.6 points per game, 4.7 assists, 3.6 rebounds at 1.1 steals.
















