Natuklasan ng mga astronomer sa kauna-unahang pagkakataon ang isang green star sa kalawakan na tinawag na WD J1330+6435, isang white dwarf na matatagpuan 280 light-years ang layo mula sa Earth.
Ayon sa pag-aaral na pinangunahan ng astrophysicist na si Mark Hollands mula sa University of Warwick sa England, nagkaroon ng kulay chartreuse green ang bituin matapos nitong kainin ang mga natirang debris ng mga nakapaligid na planeta.
Paliwanag ng mga dalubhasa, ang mataas na densidad ng white dwarf ay nagdulot ng patuloy na pagbangga ng helium atoms sa sodium atoms, kaya nabago ang nakikitang liwanag nito sa spectrum.
Sa halip na karaniwang kahel o puti, na-absorb ng mga atomo ang mga kulay dilaw at pula habang inilalabas naman ang natatanging berdeng liwanag na bihirang makita sa mga bituin.
Ang makasaysayang diskubring ito na inilathala sa journal na RAS Techniques and Instruments ay nagpapatunay na ang kabuuan ng universe ay puno ng mga kakaibang kababalaghan na maihahambing sa science fiction.











