Muling lumakas at naging isang ganap na Super Typhoon ang bagyong may international name na “Champi” habang patuloy na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong alas-2:00 ng hapon, Oktubre 19, 2026.
Ayon sa state weather bureau, inaasahang papasok ang bagyo sa PAR sa Martes, Oktubre 20, kung saan ibibigay dito ang lokal na pangalang “Rosal”.
Nakatakdang tahakin ng Super Typhoon Champi ang pakanluran-hilagang-kanlurang direksyon patungo sa Taiwan o Ryukyu Islands habang binabagtas ang Philippine Sea.
Bagama’t mababa ang posibilidad na mag-landfall ito sa alinmang bahagi ng bansa, nagbabala ang mga eksperto na ang extention o trough nito ay magdudulot ng malalakas na pag-ulan sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas.
Maaari rin magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 o 4 sa Extreme Northern Luzon, tulad ng Batanes at Babuyan Islands, habang pinalalakas din nito ang gale warning sa mga baybayin ng bansa.












