-- Advertisements --

Kinondena ni dating Senador at ngayo’y Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino ang naging pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan, na aniya’y labis na at hindi naaayon sa nakagawiang asal ng isang diplomat.

Suportado ni Tolentino ang pagkondena ng pamahalaan at ang pagpapatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Chinese envoy upang panagutin sa kaniyang mga pahayag.

Giit ng kalihim, nararapat lamang na igalang ni Quan ang Pilipinas at ang mga batas nito, gayundin ang tungkulin niyang panatilihin ang maayos na ugnayan ng dalawang bansa bilang kinatawan ng China.

Iminungkahi rin ni Tolentino na pag-aralan ng Ministry of Foreign Affairs ng China ang naging pahayag ng kanilang ambassador.

Kaugnay nito, sinang-ayunan din ng kalihim na pag-isipan ang posibilidad na ideklarang persona non grata si Quan, kasabay ng panawagang pagnilayan ng diplomat ang kaniyang mga naging pahayag.

Matatandaang dating senador si Tolentino at naging aktibo sa pagsusulong ng mga usapin hinggil sa West Philippine Sea (WPS).