-- Advertisements --

Sabak na muli para sa panibagong world title ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Iya’y matapos siyang makapasok sa apparatus finals ng floor exercise at vault events sa 54th Artistic Gymnastics World Championships sa Rotterdam, Netherlands.

Bagama’t bigo man ang Golden Boy para mag-qualify sa all-arounds matapos mauwi sa 34th place, buhay pa rin ang fighting spirit ni Yulo para sa panibagong world title.

Nagtapos si Yulo sa ikalawang spot para sa floor exercise sa score na 14.500, habang nauwi naman siya sa ika-anim na spot para sa vault mula sa kaniyang score na 14.266 kung saan parehas siyang pasok sa finals sa nasabing apparatuses.

Kasama rin ni Carlos ang kaniyang nakababatang kapatid na si Karl Eldrew Yulo na nakamit naman ang 84th overall spot.

Nakatakdang lumaban para sa floor exercise ang nakatatandang Yulo sa darating na Sabado sa susunod na linggo, kasunod naman ni ang patimpalak sa vault na magaganap naman sa Linggo.

Tatlong world champion titles na ang nahawakan ng gymnast star, kung saan nasungkit niya ang unang titulo noong 2019 sa Germany, ang ikalawa noong 2021 sa Japan, at nito lamang 2025 sa Indonesia.

Kamakailan din lamang, dalawang ginto muli ang kaniyang pasalubong matapos nitong sungkitin ang mga gintong medalya mula sa Asian Games na ginanap sa Japan nito lamang Setyembre ng taon.