-- Advertisements --
May isinagawang pagpupulong ang binuong special task force ng Philippine National Police para sa imbestigasyon sa pagpaslang kay Adrian “Golden Boy” Loterte na isang mamamahayag mula Daraga, Albay.
Ayon kay PCol. Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police (PNP) na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon.
Lahat aniya ng anggulo ay kanilang tinitignan lalo na kung ito ay may kinalaman sa kaniyang trabaho.
May ilang mga anggulo na rin silang sinusundan para mapabilis na maresolba ang nasabing kaso.
Magugunitang noong Oktubre 12 ng hapon habang nasa loob ng kaniyang bakery ang biktima ay bigla na lamang itong binaril ng hindi pa kilalang mga suspek.
















