Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t-ibang ahensiya para sa agarang pag-aresto sa pamamaril sa punong Barangay ng Sta. Anastacia, Sto. Tomas, Batangas na si Dennis Austria.
PCol. Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police (PNP), na ang isa sa mga motibo na kanilang tinutumbok ay personal na alitan.
Mayroon kasing kinasuhan ang biktima na maaring ginantihan ito ng mga hindi pa kilalang suspek.
Magugunitang habang naglilinis sa harap ng bahay nito ang biktima ay bigla na lamang siyang nilapitanng suspek at walang habas na siya ay pinagbabaril.
Mayroong apat na tama ang biktima na dalawa sa ulo at dalawa sa braso na sanhi ng agarang kamatayan nito.
Patuloy din ang panawagan ng mga kapulisan sa publiko na may kinalaman sa nasabing kaso para sa mabilis na matunton ang mga may gawa nito.














