-- Advertisements --

Plano ng Gilas Pilipinas na magsagawa ng training camp sa Seramban, Malaysia bilang paghahanda sa panibagong window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sinabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Erika Dy na nasa plano talaga ni Gilas coach Tim Cone na magsagawa ng pagsasanay sa isang bansa sa Southeast Asia.

Dagdag pa nito na maaring agahan nila ang pagsasanay sa Malaysia at kung hindi ito matuloy ay dito na lamang gagawin sa Pilipinas.

Nakatakdaang FIBA window mula Nobyembre 27 at 29 kung saan target ng Gilas na ma-improve ang apat na panalo at apat na talo.

Unang makakaharap ng Gilas ang Syria sa 27 at rematch naman kontra Iran sa Nobyembre 29.