Pinangalanan na ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pulitiko sa Mindanao na umanoy sangkot sa tangkang pagpuslit ng nasa P3.5-bilyon halaga ng shabu sa Laos patungo sana sa Pilipinas.
Sa inilabas na diagram ni Remulla sa mga indibidwal na sangkot sa pagpuslitng 521 kilograms ng methamphetamine hydrochloride o kilala bilang shabu.
Kinilala ito bilang si Bangsamoro Parliament member Edriezan Hadji Nasser Rimbang.
Ikinasal si Edriezan Rimbang kay Princess Rohaniah Rimbang ang kapatid ng asawa ni alyas “Fahad” na siyang naaresto sa paliparan sa Laos.
Binayaran niya si Police Master Sergeant Aileen Jane Manalo Mendoza para sa landing rights sa private hangar kung saan nakatakdang lumapag ang eroplano.
Nakontak ni Captain Rioklyn Toledo o alyas “Boyet” ang sasakyan na eroplano mula Malaysia patungong Laos.
Nilinaw ni Remulla na ang hindi pa lumalapag sa Pilipinas ang nasabing eroplano.
Kinumpira rin ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na kanilang tinanggal sa puwesto at nasa restrictive custody ng Aviation Security Group si Mendoza habang ang Sultan umano na binanggit ay nasa Pilipinas p rin.















