Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government unit na higpitan ang inspections sa mga negosyong itinatayo sa kanilang nasasakupan.
Ang nasabing hakbang ay para maiwasan na malusutan sila ng pinagbabawal na offshore gaming operators.
Nagmula ang kautusan matapos ang pagkakatuklas sa umanoy POGO hub sa Quezon City kung saan 76 na dayuhan ang naaresto.
Nakasaad sa nasabing memorandum na dapat ay magsagawa ang mga LGU ng regular random inspections bilang bahagi ng pagprosesong at pag-renew ng kanilang mga business permits.
Muling ipinaalala nila na dapat ay mahigpit na ipatupad ang Anti-POGO Act of 2025 na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at Internet Gaming Licenses (IGL) sa buong bansa.














