-- Advertisements --

Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isang pulitiko mula sa Mindanao ang umanoy nag-pondo sa flight na nagtangkang magbagsak ng droga mula sa Laos.

Hindi naman na binanggit pa ng PDEA ang pagkakakilanlan ng pulitiko at sinabi lamang na nagbayad sa P3.5 bilyon para sa chartered private jet na magdadala sana ng 521 kilograms ng pinaghihinalaang methamphetamine o shabu.

Naharang ng mga otoridad sa Laos ang nasabing droga sa Luang Prabang International Airport matapos tanggihan ng piloto ng nasabing private jet.

Naaresto ang suspek na si alyas “Fajad”na isang Pinoy na siyang may dala ng hinihinalang iligal na droga.

Isa pang Pinoy ang kinilala ng PDEA na siyang nag-ayos ng flight ng nasabing iligal na droga subalit ito ay nakalabas na ng bansa.

Nakilala na rin ng PDEA ang mastermind ng nasa likod ng droga kung saan ang ito ay konektado sa Sam Gor drug syndicate na pangunahing nagpapakalat ng iligal na droga sa Asia-Pacific.