-- Advertisements --
Inanunsyo ni Pope Leo XIV nitong Linggo, Oktubre 12, na sasailalim ito sa isang surgery para alisin ang maliit na bukol na namataan sa kaniyang baga.
Ani ng Santo Papa, nadiskubre ang nasabing bukol sa isang medical check-up na isinagawa sa kaniya kamakailan lamang.
Bagama’t hindi pa nalinaw kung malignant ang kundisyon ng nasabing bukol, “well-contained” naman daw ito at natuklasan nang maaga ng kaniyang mga doktor kung kaya’t inirekomenda sa kaniya na ipatanggal ito sa pamamagitan ng operasyon.
Ayon naman sa press office ng Vatican, inaasahang tatagal ng isang linggo ang operasyon ng Santo Papa.













