Nasa China na si Pinay tennis star Alex Eala para sa pagsabak nito sa Wuhan Open.
Ang nasabing torneo ay kaniyang pagbabalik sa Womenst Tennis Association (WTA) Tour.
Ang World number 18 na si Eala ay inaasahan na makapasok sa 13th seed sa WTA 1000 tournament.
Inasahan na makakaharap nito ang ilang mga nasa malalaking pangalan gaya nina Aryna Sabalenka, Jessica Pegula, Mirra Andreeva, Linda Noskova at Elina Svitolina.
Magsisimula ang singles draw ngayong Oktubre 10 habang ang main draw ay magsisimula sa Oktubre 12.
Magugunitang hindi nakapaglaro si Eala sa China Open para bigyang daan ang pagsabak niya sa Asian Games kung saan nagkamit ito ng bronze medals.
Huling sumabak ito sa WTA tour ay sa Singapore Open kung saan umabot lamang siya sa ikalawang round.
















