-- Advertisements --

 Naiuwi ni Amaya Paz Cojuangco ang silver medal sa Women’s Individual Compund event ng 2026 Asian Games matapos umabot sa gold medal match sa Okazaki Chuo Sogo Park Multipurpose Square.

Sa finals, nakaharap ni Paz-Cojuangco ang Indonesian archer na si Nurisa Dian Ashrifah,kung saan nagtapos ang laban sa iskor na 137-139 pabor sa Indonesia.

Sa kabila nito, gumawa ng kasaysayan si Paz-Cojuangco bilang kauna-unahang Filipino archer na umabot sa Asian Gmaes gold medal match Ang kanyang silver medal din ang unang medalya ng Pilipinas sa archery sa kasalukuyang Asian Games.