-- Advertisements --

Inilutang ni Senator-judge Allan Peter Cayetano ang posibilidad ng pamumulitika o pagkaka-impluwensiya ng impeachment proceedings.

Ayon kay Sen. Cayetano, hindi aksidente ang pagkakakulong nina Sen. Jinggoy Estrrada at Sen. Rodante Marcoleta, at ang tuluyang pagkawala ni Sen. Ronald Dela Rosa.

Giit ng mambabatas, may ‘realpolitik’ na nangyayari sa proceedings.

Hindi rin aniya aksidente na pawang mga nagmula sa opposition ang mga senator-judge na wala na ngayon sa proceedings.

Sa kabilang banda, nanindigan naman si Sen. Erwin Tulfo na napapanahon nang balikan o repasuhin ang 2/3-vote treshold na kakailanganin para sa conviction ng isang impeachable official.

Ayon kay Tulfo, marami na ang pagbabago mula noong nagsimula ang impeachment trial kaya’t kailangan nang ikunsidera ng impeachment court ang mga nangyari, tulad ng pagkakakulong ng ilan sa mga senator-judge.

Ayon pa kay Tulfo, marami na sa mga miyembro ng korte ay hindi nakakadalo sa proceedings – bagay na dapat ikunsidera habang umuusad ang paglilitis.