-- Advertisements --

Opisyal nang ipinakilala ng Golden State Warriors si Frank Vogel bilang associate head coach ng koponan para sa 2026-2027 NBA Season.

Unang napaulat na kinuha ng GS ang batikang coach noong July 2026, kasunod ng pagtatapos ng 2026 Finals.

Inaasahang pangungunahan ni Vogel ang defensive game-planning ng GS sa ilalim ni Head Coach Steve Kerr.

Makakasama naman ni Vogel sa coaching staff ang iba pang batikang assistant coach tulad nina Ron Adams, Nicholas Kerr, atbpa.

Ang bagong associate head coach ng Warriors ang nanguna sa Los Angeles Lakers noong 2020 kung kailan ibinulsa ng koponan ang Finals trophy. Tuluyan din siyang lumipat sa Phoenix Suns noong 2023.

Matapos ang isang taon sa Suns, lumipat siya sa Dallas Mavericks hanggang sa tuluyang kinuha ng Golden Sate.

Dati ring nagsilbi si Vogel bilang head coach ng Indiana Pacers at ng Orlando Magic.