-- Advertisements --
Hiniling ng Common Legal Representatives of Victims (CLRV) sa International Criminal Court na manatili sa kustodiya si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon sa kanilang pahayag, nananatiling kailangan ang detensyon upang matiyak ang kanyang pagdalo sa paglilitis at maiwasan ang posibleng pananakot o panghihimasok sa mga biktima at saksi.
Binanggit din nila ang ulat ng Panel of Experts na nagsasabing patuloy na may panganib ng pagtakas at panghihimasok si Duterte.
Nakatakda ang ikatlong status conference ng kaso sa Setyembre 16 sa The Hague.















