Aminado si Atty. Michael Poa na lahat ng kaniyang mga sinasabi at ginagawa bilang spokesperson at bilang Finance chief ng Department of Education noong panahong kalihim pa si VP Sara Duterte ay pawang apprubado ng pangalawang pangulo.
Maging ang isinagot ni Atty. Poa sa ilang Audit Observation Memorandum (AOM – Audit notice ng COA) ukol sa mga nagamit na confidential funds ay apprubado rin aniya ni VP Sara Duterte.
Sa direct examination ni Atty. Benjamin Tolosa Jr., ipinunto niyang hindi gagawa ng anumang bagay si Poa na taliwas sa kagustuhan ni VP Sara, bagay na sinang-ayunan din ng defense spokesperson.
Inamin din ni Atty. Poa na bago siya magsasalita o magbibigay ng pahayag, tulad ng mga isyu ukol sa COA notices, ay i-brief muna niya si VP Sara o kung hindi man ay tatawagan niya ang pangalawang pangulo ukol sa kaniyang sasabihin.










