-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Labis ang pasasalamat ng abot sa 879 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/ Displaced Workers (TUPAD) sa North Cotabato matapos nilang tanggapin ang P2.9M na cash payout mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa kanyang mensahe, personal na pinasalamatan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang tanggapan nina Senator Loren Legarda at Senator Joel Villanueva na mga naging partners ng DOLE upang maipamahagi ang nasabing tulong sa mga Cotabateño.

Ang TUPAD ay isang programa ng DOLE na may layuning tulungan ang mga indibidwal na nawalan ng trabaho at lubos na naapektuhan ang hanapbuhay dahil sa pandemya.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Congresswoman Samantha Santos, 3rd District Board Members Ivy Dalumpines at Jonathan Tabara at TUPAD Coordinator Mr. Kenneth Paul B. Pacatay na ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium,Amas, Kidapawan City.