-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Lubog sa baha ang ilang mababang lugar sa Isabela dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan simula kagabi.

Kabilang sa mga binaha ang ilang lugar sa Aurora at Isabela.

Hindi naman madaanan ang lahat ng mga overflow bridges sa Cauayan City, Sto. Tomas, Cabagan, Lunsod ng Ilagan, Echague at Jones, Isabela.

Kanselado na rin ang klase sa mga bayan ng Aurora, Angadanan, Naguilian at Iligan City maging sa Quirino Province.

Sa heavy rainfall advisory ng Pagasa ay nakataas ang yellow warning level sa Isabela, Cagayan at Apayao dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Tisoy at amihan.