-- Advertisements --

Sugatan ang pitong marino matapos ang aksidente sa paglapag ng F-35C fighter sa aircraft carrier.

Ayon sa US Navy, nangyari ang insidente habang nasa bahagi ng West Philippine Sea ang USS Carl Vinson.

Nagkaroon ng maling pagtantiya ang piloto ng F-35C fighter jet kaya naganap ang aksidente.

Nasa ligtas naman na kalagayan ang piloto matapos na mag-eject at ito ay nailigtas ng helicopter.

Tatlo sa mga biktima ang dinala sa pagamutan sa Pilipinas habang ang apat ay doon na sa barkong pandigma ng US.

Magugunitang kasalukuyang nagsasagawa ng Naval exercise ang US at Japan sa West Philippine Sea na layon ay para mapalakas ang kanilang ugnayan.