-- Advertisements --
Umaabot sa 1.5 million new coronavirus cases ang naitala sa bansang India ngayong lamang buwan ng Agosto.
Ayon sa Indian Health Ministry nito lamang Martes sa loob ng isang araw ay nasa 67,151 ang mga bagong kaso samantalang 1,059 naman ang mga nasawi.
Sa ngayon mula nang magsimula ang pagbilang ng mga COVID cases nasa kabuuang mahigit 3.2 million katao ang dinapuan at nasa 59,449 naman ang mga namatay.
Bago ito nasa mahigit na 60,000 kada araw ang naitatala kung saan nasa 800 coronavirus deaths naman ang lumutang sa nakalipas na walong araw.
Dahil sa naturang malaking krisis, pinalakas naman ng India ang coronavirus testing matapos mahigit na sa 18 million tests ang naisagawa nito lamang buwan.