BUTUAN CITY – Tuliyan nang naiturn-over sa limang mga barangay sa bayan ng Bacuag, Surigao Del Norte ang mga proyekto sa ilalim sa Local Government Support Fund-Barangay Development Program at Provincial Government sa Surigao del Norte na nagkakahalag ng 66.5 milyon pesos.
Kinabibilangan ang nasabing mga proyekto sa Farm to Market Road sa Sitio Talimugsayan sa Brgy Cambuayon,Farm to Market Road naman sa Sitio Pang-pang sa Barangay Dugsangon, Farm to Market Road sa Campo Langit, Installation ng Solar Street Lights at Rehabilitation Improvement sa Level II Portable Water System sa Brgy Payapag, Bacuag, Surigao del Norte. Kasama naman sa inagurahan ang mga proyekto sa lalawigan ng Surigao del Norte na Concreting sa Local Access Road sa Barangay Pautao, Rehab/Improvement sa Campo Multi-Purpose Building at Rehab/Improvement sa Sitio Looc, Barangay Dugsangon Multi-Purpose Building.
Sa pahayag ni Gobernador Robert Lyndon Barbers, pinagsisikapan nito na mabigyan ng pansin ang nasabing bayan matapos nakita ang pangangailangan sa taongbayan sa pamamagitan ng mga proyekto.
Habang sa panig naman ni Brigadier GEN GEORGE L BANZON Brigade Commander sa 901st Brigade nagiging matagumpay ang nasabing mga proyekto dahil wala na umanong hahadlang na mga terroristang NPA matapos naman nila itong napagtagumpayan.