-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Magbibigay ng libreng serbisyo sa transportasyon ang lokal na pamahalaan ng Baguio City ngayong holiday season.
Gagamitin ng lokal na pamahalaan ang 52-seater na bus at mag-uumpisa ang operasyon sa bawat pagsapit alas siyete ng gabi.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nais ng programang mabigyan ng serbisyo ang mga pasaherong kadalasang wala ng masakyan pagsapit ng gabi.
Samantala, ipinapabatid ng Traffic Management Unit ng Baguio City Police Office sa lahat ng motorista gayundin sa mga turista na mula kahapon, Disyembre 27 hanggang bukas, Disyembre 29 ay ipapatupuad ang coding sa mga sasakyan sa Baguio City.
Temporaryo namang suspendido ang coding mula sa Disyembre 30 hanggang Enero 1, 2020.