-- Advertisements --
Aabot pa raw sa 500 state prosecutors ang kailangan bg Department of Justice (DoJ) sa kabila ng mga bagong state prosecutor na itinalaga ng Malacañang sa iba’t ibang prosecutors offices.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, kailangan pa rin nila ng mga piskal na tutugon sa mga kasong isinasampa sa kanilang tanggapan.
Maalalang noong mga nakaraang buwan lamang ay may itinalaga na ang Pangulong Rodrigo Duterte na mga prosecutors sa iba’t ibang prosecutors office sa buong bansa.