-- Advertisements --
image 121

Sapilitang inilikas ng Department of Social Welfare and Development ang 50 pamilya na napag-alamang hindi pa umaalis sa loob ng 6-kilometrong permanent danger zone sa palibot ng Mayon Volcano sa Albay.

Nadiskubre ito ng ahensya matapos magsagawa ng inspeksyon sa Barangay Anoling. Kaya naman agad nakipagpulong ang DSWD kay Camalig town Mayor Caloy Baldo at agad namang nagsagawa ng forced evacuation sa mga residente.

Sa tulong ng Camalig Municipal Police Station, Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Disaster Response and Management Office ng Camalig local government unit, inalis ang mga pamilya sa panganib na lugar.

Inilimat sila sa temporary shelter sa Baligang Elementary School. Sa ngayon inaalam pa ang kanilang eksaktong bilang.