-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ng Iran ang pagsasagawa nila ng limang araw na ‘days of mourning’ matapos ang pagkasawi ng kanilang pangulo na si Ebrahim Raisi.

Nasawi si Raisi ng bumagsak ang sinakyang nitong helicopter sa bulubunduking bahagi ng north-western Iran kasama niya si Foreign Minister Hossein Amir-Abdollahian.

Itinakda naman sa Hunyo 28 ang halalan para sa pagpili ng bagong pangulo.

Pansamantalang itinalaga si Vice-President Mohammad Mokhber para mamahala ng gobyerno habang itinalaga ng gabinete na Iran si deputy Foreign Minister Ali Bagheri Kani bilang acting foreign minister.

Nagpapaabot naman ng pakikiramay ang maraming bansa matapos na malaman ang pagkasawi ni Raisi.