-- Advertisements --

Inaasahan ng Philippine Ports Authority ang kabuuang 5.1 milyong pasahero na magtutungo sa mga pantalan sa buong bansa ngayong holiday season.

Magugunitang noong nakaraang taon ay nakapagtala ang PPA ng 4.7 milyong pasahero.

Patuloy naman ang pagdagsa ng mga pasahero sa Batangas Port kung saan kaninang hapon ay nakapagtala ng 16,000 na mga pasahero sa naturang pantalan.

Samantala, ang Port of Lucena sa Quezon ay nakapagsilbi na sa mahigit 2,000 pasahero patungong Romblon at Marinduque simula hatinggabi.

Kaya naman nagtalaga ang Philippine Coast Guard
ng mga tauhan sa loob at labas ng mga daungan at hiniling sa mga operator ng barko na iwasang mag-overload sa mga pampasaherong barko.