-- Advertisements --

CEBU CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng mga public utility jeepney (PUJs) nitong lungsod ng Cebu ang binigyan ng go-signal na makabalik-pasada sa mga susunod na araw.

Kahapon Nobyembre 23, nakapagtala ng 43 mga unit ng TPUJs ang Jeepney Task Force na inisyuhan ng permit dahilan na umabot na sa 11 ruta ang muling binuksan.

Matatandaan na noong Biyernes, 19 lang na yunit ang nakabalik sa mga kalsada makalipas ang halos 10 buwan na pagtigil sa operasyon dahil sa ipinapatupad na lockdown.

Samantala, inihayag naman ng mga opisyal nitong lungsod na nangangailangan pa sila ng oras upang pag-aralan kung papayagan na ba ang cross-boundary na mga biyahe upang makapasok sa Cebu City.

Maliban pa, base pa sa pinakahuling data na inilabas ng DOH, umabot na sa 9,535 ang mga nakarekober sa COVID-19 nitong lungsod habang 682 na ang binawian ng buhay at 367 naman ang natitirang aktibo.