-- Advertisements --

DAVAO CITY – Puspusan ngayon ang paghahanap ng otoridad sa sinasabing mga indibidwal na hindi nakalabas matapos gumuho ang isang tunnel sa Diat Palo Pantukan Davao de Oro.

Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, bago nangyari ang pagguho sa nasabing tunnel ilang araw ng nakaranas ng pag-ulan ang lugar na siyang dahilan ng paglambot ng lupa.

Samantalang narekober naman kanina ang isa sa apat na mga biktima ngunit wala na itong buhay.

Wala pang inilabas na pangalan ang mga otoridad ng Pantukan sa mga natabunan ng tunnel.

Kung maalala hindi lamang ito ang unang insidente na may nangyaring pagguho ng minahan sa Davao de Oro sa nakaraang mga taon.

Ang pagmimina ay isa sa mga hanapbuhay ng mga residente sa lugar kung saan ilan sa mga tunnel ang nirekomendang ipasara ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) dahil hindi ito ligtas at delikado sa mga pagguho.