-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umabot sa 34 miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kabilang na ang anim na top leaders nito sa Western Visayas ang na-neutralize na ng militar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Capt Kim Apitong, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na resulta ito ng mas pinaigting na Focused Military Operations (FMOs) ng Philippine Army sa first quarter ng taong ito.

Ayon kay Apitong, ilan sa mga top leaders na nahuli nila ay kinabibilangan nina Elmer Forro, leader ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Panay sa Sitio Bangko Barangay Lutac, Cabatuan, Iloilo na naaresto noong marso 29, 2022 at may kasong murder; Ramon Patriarca, alias Usting na tumatayong Secretary ng Komiteng Rehiyon-Negros na wanted sa ten counts of murder na naaresto sa Brgy. Suay, Himamaylan, Negros Occidental.

Sinabi naman ni Apitong na sa 13 mga engkwentro ng militar laban sa mga rebelde, hindi bababa sa walo ang mga namatay.

Muling nanawagan si Apitong sa mga rebelde na bumalik sa sabak ng gobyerno at mag-avail ng reintegration program upang makapamuhay ng normal kasama ang kanilang pamilya.