-- Advertisements --

Nakapagtala lamang ng 330 na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Pilipinas kahapon.

Dahil dito, umakyat na ang kabuuang bilang ng mga kaso sa 3,676,991.
Sa data ng Department of Health (DoH) ang active case naman ay bumaba sa 42,835 mula sa dating 43,486 active cases.

Pumalo naman sa 3,575,141 na katao ang naka-recover na sa virus habang ang mga namatay ay 59,015.

Kabilang naman sa mga rehiyon na mayroong pinakamaraming kaso sa nakaraang dalawang linggo ang NCR na may 1,801 infections, Region 4-A 735 at Region 6 na may 587.