-- Advertisements --

Patay ang nasa 32 katao matapos na sila ay pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa western Ehtiopia.

Itinturong nasa likod ng atake ay mga grupo na tinawag na OLF Shane.

Ang nasabing grupo ay ang humiwalay na grupo mula sa Oromo Liberation Front (OLF) na isang opposition party na nanilbihan ng ilang taon sa exile.

Pinayagan lamang ang mga grupo na makabalik matapos ang pag-upo ni Prime Minister Abiy Ahmed noong 2018.

Mariing kinondina ng ilang human rights organization ang ginawang ito ng grupo.