Tumulak na patungong Davao Region ang aabot sa 30 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Sila ay naatasang tumulong sa mga residente at pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng Mindanao partikular na sa ilang bayan at lalawigan sa Davao Region.
Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Acting Chair, Atty. Don Artes , ang hakbang na ito ay bilang tugon ng kanilang ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr upang makapaghatid ng kinakailangang tulong sa mga naapektuhang lugar.
Aabot sa 60 solar-powered water purifiers ang ipapamahagi ng MMDA sa lugar.
Layon nito na makapagbigay ng malinis na tubig sa mga nasalantang residente na inaasahang magbibigay ang kada unit nito ng 180 galon ng tubig kada oras.
Ang ipinadalang 30-man contingent ay binubuo ng mga tauhan ng Public Safety Division, Road Emergency Group, at Flood Control and Sewerage Management Office.