-- Advertisements --
image 533

Patay ang 3 US Marines matapos bumagsak ang isang Osprey aircraft sa remote tropical island north of Australia sa oras ng war games, ayon yan sa opisyal ng militar ng US.

Limang Marines naman ang nailigtas mula sa crash site at isinugod sa isang ospital sa Darwin dahil sa isang “serious condition,”

Habang iginiit pa ng pulisya ng Australia na sinusuri nila ang natitirang mga nasugatan na crew sa pinangyarihan.

Ayon sa isang US military officials, “There were a total of 23 personnel on board,”

Dagdag pa nito, “Three have been confirmed deceased while five others were transported to Royal Darwin Hospital in a serious condition.”

Inilarawan ni Punong Ministro Anthony Albanese ang insidente bilang “tragic” at “regrettable” ngunit idiniin na sinusubukan pa rin ng mga awtoridad na alamin kung ano talaga ang nangyari.